Kababasa ko lang ng BAKIT BALIGTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO? MGA KUWENTONG BARBERO ni Bob Ong(pangalawang libro na ito na nabasa ko mula kay Bob Ong) at ito ang aking mga nagging reaksyon:
-Dun sa bahagi ng libro na Bawal Basahin Ang Nakasulat Dito!,dun ko nalaman ang sagot sa unang pangungusap sa bahaging ito. Ang sagot ay disiplina. Sa pagbasa ko sa bahaging ito, hindi ko alam kung bakit ako tumatawa pero totoo naman. Ang mga basura, sira-sirang bahay at mga madudungis na bata at ang dahilan kung bakit patuloy pa rin itong sumusulpot ay ang kawalan ng disiplina.
-Dun naman sa bahagi na HOW JOLOG ARE YOU? Ni Fori Dungco at Cybertambayanteam ay nalaman ko ang JOLOGS QUOTIENT ko. Ang baba ng iskor ko eh..mababa pa sa siyam na ang ibig sabihin ay AYAW UMAMIN NA JOLOGS AKO..haha..jologs pa rin ako kahit anong gawin ko.
-Dun naman sa bahagi na pagiging dinamiko ng wikang Filipino, bigla kong naalala yung tanong sa General Information Quiz Bee na sinalihan ko. Ang tanong ay “Ano ang Tagalog ng Cube?”. Sa kasamaang palad, mali kami ng sagot ng mga kagrupo ko pati din yung ibang mga kasali. Nabigla kaming lahat na ang sagot pala ay talurami. Grabe! Napakadinamiko talaga ng wikang Filipino.
-Hanga naman ako sa mga nagtitinda sa isang sari-sari store, mga barker at mga naglalako. Kahit papano, sa ganong paraan may pinagkakakitaan sila. Ang galling talaga ng Pinoy, hahanap nang hahanap talaga ng paraan para magkaroon ng mabuting hanapbuhay.
-Ito pa lang libro na Bob Ong ay outcome ng Bobong Pinoy(website sa Internet na ginawa ni Bob Ong noong July 1, 1998)..ahh..ok
-Nung tapos ko nang basahin itong libro ni Bob Ong, mas lalong nagging proud ako na Pilipino ako. Kahit na ang bansa natin ay puno ng kaguluhan, polusyon at ano pang problema yan, alam ko naman na makakayanan nating mga Pilipino ito. Nasa kamay lang natin ang solusyon.

No comments:
Post a Comment