Sa Aking Mga Kabata
Sa tulang ito ay hinihimok niya ang kanyang mga kababayan na mahalin ang sariling wika sapagkat para sa kanya, ang hindi magmahal sa sarling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.
Isang Alaala Sa Aking Bayn
Isang tulang nagsasaad ng mga alaala ng bayani kaugnay ng kanyang baying Kalamba.
Sa Mga Kabataang Pilipino
Ang tulang ito ay inilahok ni Rizal sa paligsahan na isinagawa ng Liceo Artistico-Literario noong 1879 ng siya ay labing-walong taong gulang. Ang paligsahang ito ay bukas sa mga katutubo at mestizo. Ang tulang kanyang inilahok ay pinamagatan niyang “A La Juventud Filipina” (Sa Mga Kabataang Pilipino).
Ang tulang ito ni Rizal ay isang tunay na mainspirasyong tula kung saan ay hinihikayat ni Rizal ang mga kabataang Pilipino na bumangon mula sa kanilang pagkakahimlay at pigtalin ang tanikalang gumagapos sa kanila.
Ang Awit ni Maria Clara
Isinasaad ng tulang ito na ang kamatayan para sa bayan ay isang napakatamis na kamatayan.
Imno sa Paggawa
Nilikha ni Rizal ang tulang ito bilang paghahandog sa paggunita sa pagkakatatag ng Lipa bilang isang villa, sa Lalawigan sa Batangas noong 1888 sa bias ng Batas Becerra. Naging isang napakaunlad na lungsod ang Lipa nang panahong iyon at sa hiling ng isang kaibigan ay nilikha ni Rizal ang madamdaming tulang ito na nagsasaad ng pagmamahal sa paggawa.
Huling Paalam
Ayon kay Austin Coates, ang tulang ito ay sariling talambuhay ni Rizal, bukod sa ito ay tula ng pamamaalam, isang panawagan sa kanyang mga kababayan, at katapusang nasa at habilin ng bayani. Lahat ng uri ng pagmamahal ay nasa tulang ito – pagmamahal sa magulang, mga kapatid, liyag at higit sa lahat ay sa bayan.
Labis ang Pagmamahal ng Ating bayaning si Dr. Jose Rizal Sa ating Bansa, Pinapakita niya ito sa pamamagitan ng pag gawa ng mga Akda na kapupulutan ng aral at imulat tayo sa katotohanan na nagyayari sa paligid natin, Katulad ng mga Tula na nagiging inspirado at nagpapalawak ng isip ng bawat isa.
ReplyDeleteContributor: Antoinette Sevidal
www.ourhappyschool.com