- JULIA
Ang nagging pag-ibig ni Rizal nang siya’y anim na taong gulang pa lang siya.
- SEGUNDA KATIGBAK
Ang dalagang taga Lipa, Batangas. Nakilala ni Rizal ang dalagitang ito sa Troso, Maynila sa bahay ng kanyang Lola noong buwan ng Disyembre, 1877, sampung buwan nakaraang makilala niya si Julia. Huwebes at Linggo ay binibisita niya si Segunda sa La Concordia kung saan ito nakatira kasama ng dalawang kapataid na babae ni Rizal. Samantalang si Segunda ay ikinasal kay Manuel Luz.
- BB. L.
Dalagang taga Pakil, Laguna. Pinaniniwalaan na ang babaing ito ay ang gurong si Jacinta Ibardo Laza.
- LEONOR VALENZUELA
Ikalawang taon na siya sa pag-aaral sa Sto. Tomas na nakilala niya ng isang dalagang nagngangalang Leonor na kapitbahay ng may-ari ng bahay na tinutuluyan ni Rizal na si Donya Concha Leyva. Ang dalaga ay anak nina Kapitan Juan at Kapitana Sanday Valenzuela.
- LEONOR RIVERA
Masasabing ang pag-ibig nila sa isa’t isa ay hinabi ng mga palitan ng sulat. Siya si “La Cuestion del Oriente” ayon kay Rizal. Pumayag si Leonor na magpakasal sa Ingles na si Henry Kipping. Pumayag si Leonor na magpakasal kay Kipping sa tatlong kasunduan: tatayo sa tabi niya ang kanyang ina sa oras ng kanyang kasal; hindi na siya hihilingan pang umawit na muli; at habang siya ay nabubuhay, mananatiling nakasusi ang piyano.
- CONSUELO ORTIGA y PEREZ
Nang umalis si Rizal sa Pilipinas, nakatagpo siya sa Madrid ng isang babaing Kastila, si Consuelo Ortiga y Perez.
- O-SEI-SAN (USUI-SEIKO)
Isang Hapones na nakatagpo niya habang siya ay nasa bansang Hapon.
- GERTRUDE BECKETT
Sa London ay nanirahan si Rizal sa pamilya Beckett. Ang pamilyang ito ay nabibilang sa gitnang uri, may apat na anak na babae at dalawang lalaki. Ang panganay sa mga babaing anak ng pamilya ay nagngangalang Gertrude. Ang damdamin ni Rizal ay napukaw mga bandang buwan ng Disyembre ng taong iyon, (1888).
- NELLY BOUSTEAD
Sa Paris nanirahan si Rizal simula Hulyo, 1889. Dito ay nakilala niya ang isang mayamang Anglo-Pilipinong nagngangalang Eduardo Boustead na nakapangasawa ng isang Pilipina. Si G. Boustead ay may dalawang anak na babae na ang bunso ay nagngangalang Nelly na lubhang napakakimi.
Sa suliraning dala ng pagkakahati-hati ng mga Pilipino sa Madrid, isang komiteng mamamahala sa pagkakampanya sa Pilipinas. Ang komite ay bubuuin ng isang Responsible at dalawang tagapayo. Ang makakakuha ng dalawang katlo ang siyang magiging Responsible. Sa halalang iyon ay nahati ang mga Pilipino kina Rizal at Marcelo H. Del Pilar.
10. JOSEPHINE BRACKEN
Si Josephine ay anak ni James Bracken, isang sundalong naglilingkuaran bilang private sa 28th Regimant of Foot at ng isang babaing Intsik. Nang namatay ang tunay na asawa ni James matapos na isilang si Josephine, ito ay kanyang ipinaampon sa mag-asawang Taufer.
Nagdalantao si Josephine at nagsilang ng isang sanggol na lalaki na patay na pagkapanganak.
Matapos ang pagbitay kay Rizal sa Bagumbayan, si Josephine, kasama nina Josefa at Trinidad Rizal ay sumapi sa Katipunan. Pagkalipas ng dalawang taon nagpakasal si Josephine kay Vicente Abad. Nagkaroon sila ng isang anak. Namatay si Josephine sa gulang na dalawampu’t limang taon sa sakit na tuberculosis.
No comments:
Post a Comment