Tuesday, May 17, 2011

KABANATA 4: ANG TALAMBUHAY NI RIZAL

Ang Pamilya ng Bayani
  • Ipinanganak siya noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, laguna
  • Bininyagan siya sa pangalang Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda.
  • Pampito sa labing-isang magkakapatid na binubuo ng siyam na babae at dalawang lalake.
  • Ang kanyang tatay ay si Don Francisco Mercado. Sa panig ng kanyang ama, ang kanilang ninuno, si Domingo Lam-Co, ay isang Intsik na nagmula sa Fukien, Lungsod ng Changchow noong 1690. Ang apelyidong Lam-Co ay ginamit ni Domingo noong 1731 subalit noong 1849 pinalitan niya ito ng Rizal bilang pagsunod sa kautusang ipinalabas ni Gobernador Heneral Narciso Claveria.
  • Ang salitang racial ay nangangahulugang luntiang bukid.
  • Si Don Francisco ay isang mamamayan ng Binan na nagtungo sa Calamba. Nag-aral siya sa isang paaralan ng Latin sa Binan at nagpatuloy sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Namatay siya sa edad na 80 noong Enero 5, 1896.
  • Si Donya Teodora Alonzo, ina ng bayani, ay isinilang noong Nobyembre 8, 1826, nagmula sa kilalang pamilya sa Binan, kalahi niya sina Lakandula at Eugenio Ursua. Ang ama niya ay isang inhinyerong si Lorenzo Alberto Alonzo. Ang tatlong kapatid na lalaki niya ay sina Gregorio, Manuel at Jose.
  • Pinili nila ang apelyidong Realonda noong 1849 bilang pagsunod sa kautusan ni Gobernador-Heneral Claveria.
  • Si Donya Teodora ay nag-aral sa Kolehiyo ng Santa Rosa, isang Dominikong kolehiyo sa Maynila.
  • Ang mga kapatid ni Rizal ay sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefe, Trinidad at Soledad.
Ang Batang si Rizal at ang Kanyang Edukasyon
  • Dalawang taon, alam na niya ang alpabeto.
  • Apat na taon, nakasusulat na sa Tagalog at sa Kastila.
  • Wikang Latin at Aritmetika sa pamamagitan ni Leon Monroy.
  • Pitong taong gulang, pinag-aral siya sa kabayanan ng Calamba.
  • Siyam na taong gulang, ipinadala siya sa Binan kung saan ang kanyang nagging guro ay si Justiniano Cruz.
  • Si Lucas Padera ang naghanda sa kanyang kukuning pagsusulit sa Maynila.
  • Enero 20, 1872, sa gulang na labing isang taon, si Rizal ay ipinasok sa Ateneo Municipal de Manila, isang paaralang pinamamahalaan ng mga Heswita sa Intramuros, Maynila. Isinulat ni Rizal ditto ang kanyang “Memorias de un Estudiante de Manila.
  • Nahasa siya sa wikang Kastila sa pamamagitan ni Padre Francisco de Paula Sanchez.
  • Isinulat din niya ang “Por La Educacion Recibe Lustre la Patria”.
  • Sa gulang na walong taon, naisulat ni Rizal ang tulang “Sa Aking mga Kababata”, isang tulang itinataas ang wikang Tagalog bilang kapantay ng wikang Kastila at iba pang maunlad na wika.
  • Noong 1875, isinulat ni Rizal ang tulang “Felicitacion”, bilang pagtugon sa kahilingan ng kanyang kapatid na si Narcisa bilang pagbati sa asawa nitong si Antonio Lopez.
  • Noong 1877, isinulat niya ang dulang “La Tragedia de San Estaquio”, isang dulang naglalahad ng malungkot na kasaysayan ni Estaquio de Martin. Ito ang pinakamahabang tulang kanyang naisulat na may 2,414 berso.
  • Marso 14, 1877, tinanggap niya ang katibayang Bachiller en Artes na may notang Sobresaliente.
  • Nagpatala si Rizal sa Unibersidad ng Sto. Tomas noong 1877 sa gulang na labimpito sa kursong medisina kasabay ng pag-aaral ng Filosofiya y Letras.
  • Nagpatala din siya sa Ateneo at nag-aral ng Agham sa Pagsasaka.
  • Nobyembre 25, 1881, nakamit niya ang titulo.
  • 1879, ang kanyang tulang “A La Juventud Filipina” ay nagwagi ng unang gantimpala sa paligsahang isinagawa ng Liceo Artistico – literario ng Maynila.
  • 1880, isinulat niya ang dulang El Consejo de los Dioces, tumutukoy sa pagpupulong ng mga diyos at diyoses ng Olympus kung sino ang pinakadakila sa mga makatang Homer, Virgil at Cervantes, na nagwagi ng isang gintong singsing na may nakaukit na mukha ni Cervantes.
Unang Pangingibang Bayan
  • Mayo 1882, umalis siya sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora.
  • Hunyo 1882, nakarating siya ng Barcelona.
  • Nobyembre 3, 1882, nagpatala siya sa Central Unibersidad de Madrid sa kursong medisina at Filosofiya y Letras.
  • Kumuha din siya ng leksyon sa pagpipinta at pag-ukit sa Akademya ng San Fernando. Kumuha din siya ng karagdagang leksyon sa wikang Pranses, Ingles, Aleman, Italyano at eskrima.
  • Hunyo 21, 1884, nakumpleto ni Rizal ang kanyang lisensya sa medisina.
  • 1885, natapos ni Rizal ang pag-aaral ng Filosofiya y Letras.
  • Nagtungo siya sa Paris, nagpakadalubhasa sa optalmolohiya, nagsanay sa klinika nina Dr. Louis de Wecker at Otto Becker.
  • Marso 1887, natapos niyang isulat ang nobelang Noli Me Tangere.
Ang Paris sa Paningin ni Rizal
  • “par excellence”
  • “Museo de Louvre” kung saan naroroon ang mga eksibit ng Ehipto, Assyria, Grecia, Roma, Minor at mga bagay tungkol sa Kristyanismo.
  • Palasyo ng Luxembourg
  • Museo ng Orfila, ang museong pangmedisina
  • “wax museum”
  • “Palace of Industries”
  • Katedral ng Notre Dame
  • Palasyo ng Versailles
  • Paris Opera House
  • 1889, ipinalimbag ang kanyang anotasyon sa Sucesos de las Islas Filipinas, ang aklat na isinulat ni Antonio de Morga noong 1609.
  • Itinatag din niya ang Kidlat Club at Indios Bravos.
  • Iminungkahi din niya ang pagtatag ng “International Association of Filipinologists”. Sumulat ng ilang lathalain at nagmungkahi ng pagtatayo ng isang paaralang ng mga Pilipino sa Hongkong.
Ang Alemanya at si Rizal
  • 1886, nanirahan siya sa pamilya ni Karl Ullmer, isang pastor ng protestante.
  • Anim na buwan na nagging kasapi ng tatlong samahang siyentipiko: “Anthropological Society”, “Ethnological Society” at “Geographical Society”.
  • Isinalin niya sa Tagalog ang tulang isinulat ni Friedrich Schiller, ang Wilhelm Tell, isang likhang pampanitikan na nagbigay kaalaman sa mga Aleman ng ideya ng kalayaan, demokrasya, katarungang panlipunan at diwang rebolusyonaryo.
  • Pebrero 21, 1887, ang manuskrito ng nobelang Noli Me Tangere ay ipinadala sa palimbagan ng Buchdruckerie.
  • Mayo 11, 1887, nilisan ni Rizal ang Berlin at nagtungo sa Czechoslovakia.
Ang Pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas
1)      Upang bigyan ng lunas ang pagkabulag ng kanyang ina.
2)      Mabatid kung bakit hindi nakipagtalastasan sa kanya si Leonor Rivera, ang kanyang kasintahan.
3)      Matuklasan ang naging bisa ng kanyang nobelang Noli Me Tangere sa kanyang mga kababayan.
4)      Mapaglingkuran ang kanyang mga kababaya.
  • Hulyo 3, 1887, pinasimulan niya ang paglalakbay pabalik sa kanyang lupang sinilangan.
  • Setyembre 2, 1887, si Rizal ay ipinatawag sa Malacanang ni Gobernador Heneral Emilio Terrero.
  • Enero 8, 1888, si Rizal ay nagbigay ng kanyang ulat bilang kinatawan ng mga magsasaka sa isang pulong.
Ang Muling Pangingibang Bayan
  • Pebrero 8, 1888, dumating siya sa Hongkong.
  • Pebrero 2, 1888, nagtungo sa Yokohama.
Rickshaw – uri ng sasakyan na hinihila ng tao.
  • Mayo 24, 1888, angtungo sa Liverpool, inglatera.
La Solidaridad – pahayagang itinatag ng Kilusang Propagnda sa Barcelona na pinamunuan ni Marcelo H. Del Pilar.
Filipinas Dentro de Cien Anos – isang akda na kung saan sinabi ni Rizal ang maaaring mangyari sa PIlipinas sa looob ng isangdaang taon.
Mga Kapighatiang Dumating Kay Rizal
  • Gobernador-Heneral Valeriano Weyer – tinawag na “Mangangatay ng Kuba”, ipinagiba at ipinasunog ang mga tahanan ng may 300 pamilya sa Calamba.
  • Isang liham na mula kay Leonor Rivera na nagsasaad na siya ay nakikipagkalas na kay Rizal upang magpakasal kay Henry Kipping.
  • Ang kanyang mga kababayan sa Europa ay muling nagumon at pagsusugal at mga bagay na walang mga kabuluhan.
  • Oktubre 18, 1891, umalis siya sa Europa patungong Hongkong.
William Pryer – nagtatag ng unang pamayanan ng mga Ingles sa Sandakan, Hilagang Borneo (Sabah).
  • Nobyembre 19, 1891, dumating si Rizal sa Hongkong.
Ang Pagbabalik na Muli ni Rizal sa Pilipinas
  • Hunyo 21, 1892, umalis si Rizal sa Hongkong kasama ang kapatid niyang si Lucia.
  • Hunyo 26, 1892, dumating siya sa Maynila.
  • Hulyo 3, 1892, itinatag ni Rizal ang “La Liga Filipina”.
  • Hulyo 6, 1892, ipinag-utos ni Despujol ang pagdakip kay Rizal sapagkat nakatagpo ng mga pamaskin (Pobres Frailes) laban sa mga prayle.
  • Hulyo 17, 1892, dumating si Rizal sa Dapitan kung saan nanatili muna siyang isang panauhin sa tahanan ni Kapitan Ricardo Carnicero, ang punong-militar ng Dapitan.
Ang Pagdalaw ni Dr. Pio Valenzuela kay Rizal
  • Hunyo 21, 1896, dumating si Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan bilang sugo ni Andres Bonifacio.
  • Binanggit niya na napagkasunduan ng samahang Katipunan ng Mayo 1, 1896 ang mga sumusunod:
1)      Hikayatin na sumapi sa Katipunan ang mga matatalino at mayayamang Pilipino.
2)      Mangilak ng pondo para maibili ng mga armas at ng iba pang kakailanganin ng rebolusyon.
3)      Magpadala ng isang komisyon ng matatalinong Pilipino sa bansang Hapon upang siyang mamahala sa pagbili ng armas at bala at humingi ng tulong sa pamahalaang Hapones para sa kaligtasan ng mga rebolusyonaryo.
4)      Kunin ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya sa pamamagitan ng dahas, na siya lamang tanging pamamaraan upang matamo ang kalayaan sa tulong ng bansang Hapon.
5)      Iharap ang resolusyon kay Dr. Rizal sa pamamagitan ni Dr. Valenzuela upang matamo ang kanyang pagsang-ayon at malaman ang kanyang kasagutan.
6)      Kung hindi papayag na makipagtulungan ang mayayamang Pilipino, bawa’t kasapi ng Katipunan ay magbibigay ng ambag ayon sa kakayahan linggu-linggo.
  • Hunyo 22, 1896, umalis sina Valenzuela sa Dapitan.
  • Hunyo 26, 1896, dumating si Valenzuela sa Dapitan.
Paglisan sa Dapitan
  • Hulyo 30, 1896, ang kahilingan ni Rizal na magtungo sa Kuba upang magsilbi bilang mangagagmot ay pinahintulutan ni Gobernador Ramon Blanco.
  • Setyembre 3, 1896, si Rizal ay umalis patungong Barcelona sakay ng Isla de Panay.
  • Oktubre 3, 1896, siya ay ipinailalim sa pangangalaga ni Despujol kung saan siya pansamantalang ikinulong sa kutang tanggulan ng Monjuich.
  • Nobyembre 3, 1896, ikinulong siya sa Fort Santiago.
Ang Paglilitis Kay Rizal
  • Si Rizal ay lilitisin sa pamamagitan ng “court marshall”.
  • Abogado niya si Luis Tavel de Andrade.
  • Disyembre 3, 1896, si Polavieja ay dumating sa Maynila upang maging katulong ni Ramon Blanco.
  • Disyembre 28, 1896, ang hatol ng kamtayan ay nilagdaan ni Polavieja.
Mga Huling Sandali ni Rizal
  • Disyembre 30, 1896, ika-lima ng umaga nang magpakasal sina Rizal at Josephine Bracken.
  • “Imitation of Christ”

No comments:

Post a Comment

Post a Comment